Di mo mapplease lahat ng tao, totoo yan. Kahit gaano ka pa maging mabuti sakanila, dadating talaga tayo sa point na, iju-judge ka pa rin. Isang maling galaw o salita mo lang, parang napakasama mo nang tao, parang wala ka nang ginawang mabuti. When you do something right, no one remembers. When you do something wrong, no one forgets!
Para sakin, ang maganda mong gawin ay maging open minded at positibo sa buhay. Wag mong hayaang maapektuhan ka sa lahat ng negatibo sa paligid mo. Pabayaan mo sila kung ganun sila magisip. Ang mahalaga, masaya ka, alam mong wala kang ginagawang masama at wala kang tinatapakang ibang tao.






